Should I say my farewell?


Hindi pa siguro!:::: Hopefully candidate ako sa graduation sa darating na March… I hope! One year na lang pala ako sa University of Batangas kung saka-sakali haaay… hindi ko akalain na malalampasan kong lahat ng ‘to at talagang masasabi kong kinaya ko ang lahat ng nagdaan sa akin these past two years. Natatandaan ko pa at hindi ko makakalimutan ang unang araw, ang unang buwan at ang unang taon ko sa University akala ko magiging malungkot ako sa UB pero hindi pala dahil unti-unti kong nakilala ang maraming tao at unti-unti ko ring napakilala ang sarili ko. I’m a transferee kaya nga napakalaking adjustments ang ginawa ko “as in” para bang ang pakiramdam ko’y isa akong grade one pupil na naliligaw sa isang malaking mall? Dahil hindi ko lahat sila kilala at ganon din sila sa akin. Naranasan kong tumayo at sumandal sa isang panig ng sulok ng dingding habang nagkukunwaring “okay”![]()
![]()
kahit ang totoo ay talagang nararamdaman ko ang pagkakaiba nila sa akin. Ang dami kong naranasang sitwasyon na kailangan kong “dedmahin” ang mga nagtatawanan at nagkwekwentuhang mga kaklase ko samantalang ako ay nakatahimik lang at parang “alien” na super out-of-place. Hindi ko makakalimutan ang mga bagay na hindi gusto pero ginagawa ko dahil wala akong choice kundi gawin iyon… marami akong naranasang sumubok sa tatag ko bilang isang transferee sa isang samahang matagal nang magkakilala. Inaamin ko, iyon na yata ang sitwasyong naisip kong “mag-isa” lang ako… hindi ko kayang makipag-usap sa kanila at hindi ko kayang magpakilala kahit gustong-gusto ko… kahit na gusto kong sumabat sa usapan nila at magkwento tungkol sa akin ay wala akong masabi… magkahalong emosyon ang naramdaman ko… Lumalayo ako sa kanila! Ayaw kong makita nila akong nag-iisa at naninibago sa kanila ayaw kong maawa sila sa akin dahil sa totoo lang gusto ko namang maging kaibigan silang lahat. Ilang buwan nasanay na yata ako kung saan-saang departmentals ako nagpupunta hiwa-hiwalay kasi ang schedule ko… at karamihan ng sinasamahan ko ay ang mga CASH students kahit na sa CAS ako kabilang. Natutunan kong mababait ang mga commerce ang totoo nga n’yan marami akong naging kaibigan na commerce mula first year hanggang fouth year sila kasi ang mga klasmeyt ko sa iba kong minor subjects… ewan ko ba pero ang gaan ng loob ko sa kanila at para bang kapag sila ang mga classmates ko “natsa-challenge” akong mag-aral lagi! Matatalino kasi lahat halos sila at ayaw ko namang magpahuli. Isang taon pa’y natutunan ko na ang pasikot-sikot na kalakaran sa University… natutunan kong makisama kahit minsan napipilitan ako… natutunan kong ngumiti sa mga jokes na naririnig ko galing sa kanila naiisip ko na lang na kailangan ko ring tumawa… nagkaroon ako ng mga kaibigang madali kong nakautuang dila at madalas parin akong humihiwalay sa karamihan at nararamdaman ko parin na hindi ako kabilang. Hanggang isang araw sabi ko sa sarili ko “mali ang impresyon” nila sa akin… hindi naman ako bobo… tahimik lang ako kahit hindi ako ganon katalino… pero masasabi ko namang may “ginalingan” din naman ako. Pinatunayan ko sa kanila na “ako”? maasahan niyo rin ako… balang araw makikita niyong meron ding laman kahit konti ang kukute ko at maibabahagi ko rin kung ano ang meron ako kahit hindi sapat na para humanay sa mga magagaling kong classmate. Ngayong fourth year na ako, unti-unti ko nang nakikilala ang mga kaklase ko, naiisip ko na ganito pala talaga sila… hindi ko pala dapat nilalagyan ng malaking pader sa pagitan naming lahat dahil sa totoo lang nakikita ko na ang mga tunay at totoong ugali nila. Unti-unti ko na silang nakikilala… at napatunayan kong kahit papaano pala ay magkakasundo din pala kami… nanghihinayang lang ako dahil hindi ko agad sila nakilala siguro ngayon “at home” na talaga ako sa kanila… nanghihinayang ako dahil dati naduwag akong ipakilala ang aking sarili… sana noon pa nakilala na nila ang tunay na ako at nakilala ko na rin ang totoong sila… pero may one year pa naman… I hope this will be another extraordinary year for me!![]()
-
« Hello... HALO-HALO | Green Silhouette »
another extraordinary year
@ 2007-06-03 – 13:13:27
